2 tiklo sa P.6-M-shabu

MANILA, Philippines - Umaabot sa P.6 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa magkaibigan na sinasabing notoryus drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency sa bahagi ng Barangay Bautista sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Pormal na kinasuhan ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Mario Daniel, 34, ng Barangay Napilihan, bayan ng Vinzons, Camarines Norte; at Arlan Silvio, 37, ng Barangay Bagong Silang sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Nasamsam sa mga suspek ang ang P1,000 marked money na ginamit na operasyon, 100 gramo ng shabu at motorsiklo.

 

Show comments