MANILA, Philippines - Nanawagan si Maguindanao Governor Esmael "Toto" Mangudadatu sa mga suspek sa Maguindanao Massacre na ibaba na ang armas at makipagtulungan na lamang sa gobyernong itaguyod ang kapayapaan.
Sinabi ito ni Mangudadatu kasunod nang balitang natanggap na lumahok ang ilang nasa likod ng pinakamalagim na election-related violence sa kasaysayan ng bansa sa rebeldeng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
"The Maguindanao Massacre suspects, balita namin nandoon na sa BIFF sila," wika ni Magundadatu sa isang panayam sa telebisyon kagabi.
"Ang panawagan ko sila [ay] sumali na lang sila dito sa ongoing peace process," dagdag ng gobernador.
Kaugnay na balita: Gov’t handa sa BIFF urban attacks
Kabilang ang asawa ni Mangundadatu sa 57 kataong kinitil noong Nobyembre 2009 habang patungo sa regional poll body office ang grupo upang maghain ng certificate of candidacy.
Karamihan din sa mga nasawi ay mga mamamahayag na itinuturing na "the single deadliest event for journalists."
Ang angkan ng Ampatuan ang itinuturong nasa likod ng brutal na pagpatay sa mga biktima.
Samantala, 52 miyembro ng BIFF ang nasawi sa engkwentro nila ng militar kasunod nang panggugulo sa Mindanao.
Sinabi naman ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr. na handa ang gobyerno sa pag-atakeng muli ng mga rebelde. “Patuloy na tinututukan ng ating kapulisan, ng ating Sandatahang Lakas, at ng ating intelligence operatives ang lahat ng galaw ng mga kaaway ng estado at ng kaaway ng mga mamamayan dahil hindi tayo maaring maging complacent, o dapat sa lahat ng oras ay mataas ang ating vigilance level dahil ‘yan lamang ang ating proteksyon sa mga aksyon na maligalig at mapaÂnganib at magkakaroon ng panganib sa buhay at kaligtasan ng ating mga mamamayan,†pahayag ni Coloma.