Anak ng ex-mayor utas sa kapitbahay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan -  Binaril at napatay ang 53-anyos na anak ng ex-mayor ng kanyang kapitbahay dahil sa matinding galit kamakalawa sa bayan ng Caba, La Union. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Manolo Estililia, anak ng yumaong Mayor Agripina Estililia sa nasabing bayan habang nasakote naman ang suspek na si Marcelo Valmonte, 65. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nakatayo ang biktima sa bakuran ng kanyang bahay sa Brgy. Gana nang lapitan at paputukan ng suspek. Nasaksihan naman ng bayaw ng biktima ang naganap na pamamaril. Pinaniniwalaang matagal na alitan ang nag-ugat sa pamamaslang ng suspek sa anak ng dating alkalde.

Show comments