MANILA, Philippines - Napaslang ang 48-anÂyos na ex- Barangay chairman at kasama nitong barangay tanod habang malubha naman ang 15-anyos na estudyante sa naganap na pamamaril sa Pagadian City, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang dalawa na sina ex-Chairman Lowell Lalican ng Barangay Lison Valley sa nabanggit na lungsod at Brgy. Tanod Carlito Catadman, 42, caretaker sa bahay ni Lalican.
Isinugod naman sa Zamboanga del Sur Medical Center ang sugatang si Christine Mie Catadman na nagtamo ng sugat sa kanang braso, kaliwang binti at katawan.
Sa ulat ni PNP regional spokesman P/Chief Inspector Ariel Huesca, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi habang nanonood ng telebisÂyon ang mga biktima sa kanilang bahay sa Purok Marang, Barangay Lison Valley.
Nabatid na dumungaw sa nakabukas na bintana ang mga biktima dahil may naganap na kaguluhan subalit umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.
Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal 5.56 mm at dalawang cartridge ng carbine rifle.