Bike vs trak: 3 todas

RIZAL, Philippines - – Tatlo-katao na magkakaangkas sa motorsiklo ang namatay matapos sumalpok  sa kasalubong na trak sa kahabaan ng Sampaloc Road sa Barangay Plaza Aldea, bayan ng Tanay, Rizal kamakalawa ng hapon. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima na naisugod sa Tanay General Hospital habang nasakote naman ang driver ng trak (RLG-510) na si Abner Motivo, 35, ng Sitio Sambal, Barangay Sampaloc sa nasabing bayan. Sa ulat ni PO2 Genaro Bejer, nag-overtake ang motorsiklo ng mga biktima sa sinusundang sasakyan kung saan binulaga sila ng kasalubong na trak bandang alas-5 ng hapon.

Show comments