MANILA, Philippines – Pitong taniman ng marijuana sa probinsiya ng Cebu ang sinira ng mga awtoridad, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency ngayong Martes.
Sinabi ng PDEA na aabot sa P120,000 halaga ng mga halamang marijuana ang kanilang binunot at sinira noong Enero 30 bandang alas-4 ng madaling araw sa Barangay Basiao, Badian, Cebu.
Nakipagtulungan ang PDEA sa Philippine Air Force upang masira ang 1,700 fully-grown marijuana plants.
Ngunit, sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na walang suspek ang nadakip sa isinagawang operasyon.
Dinala ang ilang halaman ng marijuana sa opisina ng PDEA Regional 7 upang isailalim sa quantitative at qualitative analysis.