Gun-for-hire kalaboso

BULACAN , Philippines   â€“ Kalaboso ang binagsakan ng 26-anyos na  miyembro ng gun-for-hire at carnapping group matapos na masakote sa isinagawang operasyon sa Brgy. Bahay Pare, bayan ng Candaba, Pampanga kahapon.

Sa bisa ng tatlong warrant of arrest, sinalakay ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Haroun Pagador ng CIDT-Bulacan ang pinagkukutaan ng suspek na si Joel “Oweng” Mangalus ng Purok 5 sa nasabing bayan.

Si Mangalus ay sinasabing miyembro ng grupo ni Rolando “Kumander Payat/Bloody” Viray na bihasa sa pagpatay at carnapping.

Sa record ng korte, si Mangalus ang bumaril at nakapatay kay PO3 Rafael Bartolome noong Mayo 13,2012 sa Lapid’sville, Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan.

Akusado rin si Mangalus sa pagpatay sa mag-amang Joel Ignacio at Jhanna Miel Ignacio sa Brgy. Balagtas BMA, San Rafael, Bulacan noong Nobyembre 29,2011.

Gayundin ang kasong frustrated murder laban kay Chairman Bernardo Gonzales sa Brgy. Tangos, Baliwag noong Setyembre 23, 2010.

 

Show comments