106 kahong budyong nasamsam

MANILA, Philippines - Umaabot sa 106 kahong endangered budyong (helmet shells) ang nasamsam ng mga operatiba ng pulisya at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos tangkaing ipuslit palabas ng pantalan sa bayan ng Jolo, Sulu. Sa ulat na nakarating kay BFAR chief Asis Perez, ang kahung-kahong helmet shells ay sinasabing nakapangalan sa isang nagngangalang Peralta Pula na dadalhin sana sa  Cebu at Maynila. Ang helmet shells  ay kilala sa tawag na budyong na mistulang nakabukas na pamaypay kung saan natatagpuan sa mabuhangin  at malalim na karagatan. Ang pagbebenta ng budyong ay ipinagbabawal at maaaring makulong at pagmultahin ng malaking halaga sa sinumang lalabag.

 

Show comments