MANILA, Philippines - Umaabot sa 182 preso na sinasabing nanlilisik na ang mga mata dahil sa gutom na nararanasan ang iniulat na pumuga sa naganap na mass jailbreak sa Provincial Jail sa bayan ng Palo, Leyte kahapon ng madaling araw.
Sa press briefing sa Camp Crame, kinumpirma ni PNP spokesman P/Senior Supt. Wilben Mayor ang pagpuga ng mga preso.
Kabilang ang bayan ng Palo, Leyte sa mga pinakagrabeng naapektuhan ng pananalasa ng superbagyong Yolanda sa bansa noong Nobyembre 8.
Bandang alas-4:50 ng madaling araw ng maganap ang mass jailbreak ng 182-preso na kabilang sa 431 inmates na nakapiit sa Leyte Provincial Jail sa nasabing bayan.
Ayon naman sa source sa field, nagawang makatakas ng mga preso matapos na sabayan ang ilang jailguard na kinuyog ng mga ito habang nagkakape.
“They immediately escaped due to the poor condition of the field that was daÂmaged by typhoon Yolanda, the repair was not finished yet dun eh, besides gutom na talaga ‘yung mga preso, dapat siguro hatiran din sila ng relief goods,†anang opisyal na sinabi pang sinamantala ng mga preso na konti lang ang bantay sa selda.
“Among the issues raised was lack of food, slow judicial process on their case and poor condition of the facilities,†giit pa ng opisyal
“The Regional Public Safety Battalion immedÂiately responded and the authorities immediately recapture 148 prisoners,†pahayag ni Mayor
Patuloy namang tinutugis ang nalalabi pang 34-pugante habang masuÂsing iniimbestigahan ang mga jailguard sa nagnap na mass jailbreak.