Professor inutas ng akyat-bahay

NUEVA VIZCAYA – Naagnas na bangkay ng 49-anyos na professor ang natagpuan sa loob ng kanyang bahay na sinasabing pinagnakawan at pinatay ng Akyat-Bahay Gang sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Julie Marlon Directo ng Nueva Vizcaya State Univesity Bambang campus at residente ng Bernabe Subdivision, Barangay San Antonio, sa nasabing bayan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasa tatlo hanggang limang araw nang patay ang biktima. Nadiskubre ang biktima matapos dumalaw ang kanyang kapatid kung saan napansin agad ang mga bahid ng dugo sa gate at harapan ng tahanan nito. May teorya ang pulisya na pagnanakaw ang isa sa motibo kung saan tinadtad ng saksak ang katawan ng biktima saka pinahirapan sa ikalawang palapag ng bahay batay na rin sa isinagawang pagsisiyasat.Nagkalat naman ang mga kagamitan ng biktima na pinaniniwalaang tinangayan ng personal na gamit at pera.

Show comments