MANILA, Philippines - Dahil sa matinding pagkadismaya sa pagbagsak ng grado ng anak na lalaki, minolestiya ng ama nito ang 17-anyos niyang kasintaÂhang estudyante sa bayan ng Rosario, Batangas, ayon sa ulat kahapon.
Ang biktimang itinago sa pangalan Desiree ay personal na nagreklamo sa pulisya kamakalawa kasama ang kanyang mga magulang kaugnay sa pang-aabuso sa kanya ng ama ng kanyang boyfriend.
Kinilala ang suspek na si Russel Gutierrez de Catro, 39, ng Barangay Poblacion C sa nasabing bayan.
Ayon kay Desiree, naganap ang pangmomolestiya noong Lunes (Enero 20) ng gabi sa tahanan ng kaniyang boyfriend
Bago umano naganap ang insidente ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at kasintahan nito dahil sa pagbagsak ng grado sa tatlong aralin nito.
Dahil dito, napilitan ang biktima na i-text ang ama ng suspek kung saan pinapunta ang biktima sa kanilang bahay upang kausapin ang nakatampuhang kasintahan.
Gayon pa man, pagdaÂting sa bahay ng suspek ay sinasabing pinaghihipuan ang biktima sa maseselang bahagi ng katawan at minolestiya.