MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Sen. Grace Poe at Philippine Drug Enforcement Agency Director General Arturo Cacdac, Jr. ang pagsunog sa P643-milyong halaga ng iligal na droga sa Trece Martirez City, Cavite kahapon.
“Napakalaking dagok po nito sa mga sindikato ng droga. Nakatitiyak akong lalong mahihirapan bumili ng shabu, cocaine, marijuana at ecstacy ang mga user dito sa Pilipinas,†pahayag ni Sen. Poe, chair ng komite ng public order at dangerous drugs.
Sinilaban ang 240,693.5 gramo ng iba’t ibang droga kabilang ang shabu, ketaÂmine, ephedrine, cocaine, marijuana, ecstasy, zolpidem, flunitrazepam, poppy seeds at expired medicines.
Kabilang din sa sinunog ang 2,250 milliliter ng liquid cocaine gamit ang thermal decomposition sa IntegraÂted Waste Management Incorporated sa Barangay Aguado sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay Cacdac, piÂnakamalaking bahagi ang shabu na aabot sa 81.3 percent o P546 milyon sa kabuuan ang sinunog na droga.
Sinuportahan at sinaksihan din ang pagwasak sa mga droga ng mga kinatawan ng Department of Justice, Department of the Interior and Local GoÂvernment, NGOs at ilang miyembro ng media.