^

Probinsiya

P643-M droga sinunog sa Cavite

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Sen. Grace Poe at Philippine Drug Enforcement Agency Director General Arturo Cacdac, Jr. ang pagsunog sa P643-milyong halaga ng iligal na droga sa Trece Martirez City, Cavite kahapon.

 â€œNapakalaking dagok po nito sa mga sindikato ng droga. Nakatitiyak akong lalong mahihirapan bumili ng shabu, cocaine, marijuana at ecstacy ang mga user dito sa Pilipinas,” pahayag ni Sen. Poe, chair ng komite ng public order at dangerous drugs.

Sinilaban ang 240,693.5 gramo ng iba’t ibang droga kabilang ang shabu, keta­mine, ephedrine, cocaine, marijuana, ecstasy, zolpidem, flunitrazepam, poppy seeds at expired medicines.

Kabilang din sa sinunog ang 2,250 milliliter ng liquid cocaine gamit ang thermal decomposition sa Integra­ted Waste Management Incorporated sa Barangay Aguado sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Cacdac, pi­nakamalaking bahagi ang shabu na aabot sa 81.3 percent o P546 milyon sa kabuuan ang sinunog na droga.

Sinuportahan at sinaksihan din ang pagwasak sa mga droga ng mga kinatawan ng Department of Justice, Department of the Interior and Local Go­vernment, NGOs at ilang miyembro ng media.

 

BARANGAY AGUADO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR GENERAL ARTURO CACDAC

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GRACE POE

TRECE MARTIREZ CITY

WASTE MANAGEMENT INCORPORATED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with