Mister, kalaguyo inatado ni misis

NORTH COTABATO , Philippines   â€“ Sumiklab ang galit ng isang misis kaya nagawang pagtatagain ang kanyang mister at kalaguyo nito matapos maaktuhan ang dalawa na nagtatalik sa kanilang bahay sa Barangay Malibatuan, ba­yan ng Arakan, North Cotabato kamakalawa.

Patuloy na nakikipaglaban kay kamatayan sa Cotabato Provincial Hospital ang magkalaguyo na sina Rolyn Capungha at Roger Hipona Ibias, 36, ng nasabing barangay.

Ayon kay P/Senior Insp. Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP, nagawang saksakin at pagtatagain ng suspek na si Melinda Ibias ang kanyang mister at kalaguyo nito dahil sa matinding galit.

Nabatid na nagdilim ang paningin ng misis na hindi nito makaya ang kababuyang ginagawa ng mister at ang kalaguyo nito kung saan kinuha ang itak at pinagtataga ang dalawa saka pinagsasaksak pa nito ng kutsilyo ang kanyang mister.

Hubo’t hubad namang nagpasaklolo sa mga kapitbahay ang duguang mga biktima kung saan mabilis namang isinugod sa bahay pagamutan sa bayan ng Antipas. 

 

Show comments