8 sundalo sugatan sa landmine

MANILA, Philippines - Walong sundalo ang nasu-gatan makaraang sumabog ang itinanim na landmine ng mga  natukoy na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Luna Norte, Makilala North Cotabato nitong Biyernes ng madaling-araw.

Ayon kay Lt. Col.  Nilo Vinluan, Commander ng Army’s 57th Infantry Battalion (IB), naganap ang insidente bandang alas-12:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.

Sinabi ni Vinluan, habang lulan ang tropa ng mga sundalo ng KM450 troop carrier at bumabagtas sa Purok 2, Brgy. Luna Norte nang biglang sumabog ang landmine o nakatanim na bomba sa kanang bahagi ng highway.

Sa lakas ng pagsabog ay nasugatan ang walong sundalo  kabilang ang dalawang nasa malubhang kalagayan na pawang isinugod na sa isang pribadong pagamutan para malapatan ng lunas.

Ayon sa opisyal, nagres-ponde ang militar kaugnay ng ulat na magsasagawa ng tactical na opensiba ang mga rebelde na planong isabotahe ang Stanfilco, Dole Packing Plant sa Brgy. Luna Norte.

Samantalang nakabak-bakan din ng mga elemento ng CAFGU ang tinatayang nasa 40 rebelde na pinapaulanan ng bala ang kanilang detachment sa bigong pagtatangka na makubkob ito.

 

Show comments