2 lalaki ‘sinalvage’, itinapon sa sementeryo

NUEVA ECIJA, Philippines – Da-lawang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang bahagi ng pampublikong sementeryo ng  Tala-vera sa Barangay Poblacion Sur ng nasabing bayan.

Sa ulat sa tanggapan ni P/Senior Supt. Crizaldo Nieves, provincial director ng Nueva Ecija PNP, nakilala ang dalawang bangkay na sina Norvin Talampas, 37-anyos, vendor, may-asawa ng Purok 4, Brgy. La Torre, Talavera, NE; at Generoso Pascual Sr. y Villamar, 52, vendor, may-asawa ng Maestrang Kikay, Talavera, NE.

Ayon sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng dalawa noong Enero 21 sa Talavera Public Cemetery.

Sa sinumpaang salaysay ni Alfredo Talampas Jr., 32, isang negosyante at kapatid ni Norvin, maaari umanong ipinapatay ang kanyang kapatid ng hindi ‘pa kilalang tao dahil hinala umano ng kanilang pamilya ay sangkot ang kanyang kuya Norvin sa naganap na robbery/hold-up noong Enero 9, ng taong kasalukuyan, na ang nabiktima ay delivery truck ng dressed chicken.

 

Show comments