MANILA, Philippines – Pinababalik na ng gobyerno ang mga nasalantang residente ng bagyong Yolanda sa kani-kanilang mga lugar gamit ang Balik sa Bayan na programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ng DSWD na maaari nang umuwi ang mga Yolanda survivors na nasa Metro Manila kung saan bibigyan sila ng tulong pinansyal, transportation assistance, at health services.
Bibigyan din ang mga nasalanta ng bagyo ng pabaon packs na naglalaman ng relief goods, kumot at banig; at ng shelter kits na may construction materials at mga gamit panggawa ng bahay.
Isa pa sa ipamimigay ng DSWD sa mga naaapektuhan ng bagyo ang mobile phones.
Layunin ng programa na matulungang bumangon ang mga biktima ng pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng bansa, ayon kay DSWD Secretary Leila De Lima.
Mula kahapon ay 77 pamilya o 212 katao na ang nakabalik sa kani-kanilang lugar sa Eastern Visayas matapos tumira sa Tent City sa Pasay City.
Kaagapay ng DSWD sa naturang programa ang Department of Health, National Anti-Poverty Commission, Philippine Air Force, Salubong Movement, at PLDT-Smart Foundation.