‘Drug pusher’ nilikida

BULACAN , Philippines   â€“ Pinabulagta ang 32-anyos na mister na sinasabing notoryus na drug pusher matapos itong ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki sa kahabaan ng kalsada sa Sitio Dike, Barangay Bañga 1st, bayan ng Plaridel, Bulacan kamakalawa ng hapon. Aabot sa pitumpung bala ng Armalite M-16 at cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Rustico “Niño” Cruz, ng Sto. Niño, Barangay Vizal sa bayan ng Candaba, Pampanga. Ayon kay PO3 Joseph Regala Cruz, naglalakad ang biktima nang  pagbabarilin ng dalawang lalaki mula sa sasakyang walang plaka. Sa tala ng pulisya, ang biktima ay isinasangkot sa pagpapakalat  ng bawal na droga sa bayan ng Baliwag at nasa tala ng order of battle ng pulisya.

Show comments