Negosyante itinumba ng bagitong pulis

BATANGAS , Philippines   â€“ Napaslang ang 53-anyos na negosyanteng mister matapos barilin ng bagitong pulis na nairita sa pagyayabang ng una sa Lipa City, Batangas kamaka­lawa ng hapon.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Romeo Enriquez ng Barangay Adya, Lipa City habang pinaghahanap naman ang suspek na si PO3 Joel Valencia ng PNP Regional Crime Laboratory ng Region 4-A sa Camp Vicente Lim sa Laguna.

Ayon sa police report, nagalit si PO3 Valencia matapos umanong ipagyabang ni Enriquez ang naging relasyon nito sa isang babaeng kamag-anak naman ng pulis.

Dito na pinagbabaril si Enriquez ng nasabing pulis saka tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Samantala, sinisikap namang kausapin ni P/Supt. Jacinto Malinao, hepe ng Lipa City PNP, ang superior ni PO3 Valencia upang bolun­taryo itong isuko at harapin ang mga kasong isasampa.

Show comments