Dalaga ni-rape ng bf

CAVITE, Philippines - – Napariwara ang pagkababae ng 18-anyos na dalaga matapos pilahan ng sariling boyfriend at kaibigan nitosa Barangay Bahayang Pag-asa, Imus City, Cavite kamakalawa. Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago  sa pangalang Jasmin para ireklamo ang mga suspek na sina Jomar Anchorez, 23; at John Joseph Patunagan, kapwa nakatira sa #34 Kalaw Street, Phase 4A, Pinagbuklod sa nasabing lungsod. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Redrico A. Maranan, hepe ng Imus City PNP,  dumalo sa idinaos na okasyon ang biktima kasama ang kanyang kasintahan na si Anchorez at kaibigan nito. Gayon pa man nang malasing ang biktima ay sinimulang gahasain ng mga suspek. Nadakip naman ang dalawang suspek matapos ipaalam ng biktima sa kanyang mga magulang ang naganap na insidente.

Show comments