MANILA, Philippines – Problema ngayon ng mga taga Compostela Valley kung saan papasok ang mga estudyante matapos matabunan ng gumuhong lupa ang dalawang silid-aralan ngayong Miyerkules.
Bubong na lamang ng silid-aralan ng grade three at grade 6 ang nakikita sa Bango Elementary School sa Barangay Bango, Compostela.
Nagising ang mga residente matapos marinig ang pagguho ng lupa dahil sa walang tigil na ulan dala ng low pressure area.
Bandang alas-2 ng madaling araw naganap ang insidente at wala namang naiulat na nasaktan.
Suspendido ang klase sa buong probinsiya ng Compostela dahil sa pag-ulan na nagdulot ng pagragasa ng baha at pagguho ng lupa.