^

Probinsiya

Lady colonel binaril sa gitgitan sa trapiko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakiki­pag­laban kay kamatayan ang isang lady colonel ng National Capital Region Police Office matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki na sinasabing nakagitgitan ng sasakyan nito sa Calamba City, Laguna kahapon ng umaga.

Sa phone interview, kinilala ni Laguna Provincial Director P/Senior Supt. Pascual Muñoz, ang biktima na si P/Supt. Vilma Sarte ng Finance Department ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Naganap ang insidente bandang alas- 8:20 ng umaga sa intersection ng Barangay Canlubang bago sumapit ng Silangan exit sa South Luzon Expressway.

Ang biktima na patungo sana sa NCRPO ay nagtamo ng  tama ng bala sa leeg, ilong na naglagos sa  teynga kung saan naisugod naman sa  Calamba Doctors Hospital dakong alas-11 ng tanghali ni P/Chief Insp. Jericho Cordero ng Crime Laboratory na nagkataong napadaan sa nasabing lugar.

Nabatid na bumaba si Sarte sa kaniyang Toyota Altis  (XGM 149 bunga ng insidente at nakatayo sa kalsada  na may 15 metro ang layo sa ka­ni­yang sasakyan nang pagbabarilin ng gunman.

Sa paglalarawan ng mga testigo, abuhin ang sasakyan ng gunman na posibleng Adventure o Toyota na walang plaka at may MPD plate sa unahan habang narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment

BARANGAY CANLUBANG

CALAMBA CITY

CALAMBA DOCTORS HOSPITAL

CAMP BAGONG DIWA

CHIEF INSP

CRIME LABORATORY

FINANCE DEPARTMENT

JERICHO CORDERO

LAGUNA PROVINCIAL DIRECTOR P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with