'Acetylene Gang' umatake sa Cotabato City
MANILA, Philippines – Hindi pa matukoy ang halaga ng mga alahas na natangay sa muling paglusob ng “Acetylene Gang†sa isang sanglaan sa Cotabato City nitong Linggo ng gabi.
Nilooban ng mga suspek ang Feroche Pawnshop sa pagbutas ng pader gamit ang portable electric drill, acetylene cutter, at 10-ton manual hydraulic jack.
Sinabi ni Senior Superintendent Rolen Balquin, director ng Cotabato City police, na inaalam pa ng mga imbestigador ang halaga ng mga alahas at perang natangay ng mga suspek.
Dagdag ni Balquin na naka-check-in ang mga suspek sa isang hotel na nasa likod ng sanglaan.
Mula sa inupahang kuwarto ay gumawa ng butas ang mga suspek papasok sa sanglaan.
Inaalam pa rin hanggang sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga suspek base sa mga tauhan ng inupang hotel.
Pinapanood na rin ang kuha ng mga closed circuit television camera ng hotel.
Nitong nakaraang linggo lamang ay nilusob naman ng armadong kalalakihan ang isang sanglaan sa kaparehong lungsod.
Nangyari ang krimen kahit tirik ang araw at ilang metro lamang ang layo ng sanglaan sa presinto.
- Latest