65 bata patay sa diarrhea sa Zambo evacuation center

MANILA, Philippines  â€“ Kagutuman at iba’t ibang komplikasyon ng diarrhea ang pumatay sa 65 bata, kabilang ang mga sanggol sa evacuation center ng Zamboanga City.

Sinabi ni City health officer Dr. Rodelyn Agbulos na karamihan sa mga nasawi ay mga menor de edad, 32 dito ay may edad 5 pababa.

“Those affected were severely malnourished children and with complications of diarrhea,” pahayag ni Agbulos.

Nananalagi ang mga libu-libong pamilyang naapektuhan ng kaguluhan sa pagitan ng gobyerno at ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front nitong Nobyembre sa Joaquin F. Enriquez Sports Complex na nagsilbing evacuation center.

Sinabi pa ni Agbulos na sa 43 kaso ng dengue sa lungsod ay 23 dito ay mula sa evacuation center kaya naman patuloy ang kanilang paalala na panatilihing malinis ang pansamantalang tirahan.

Dagdag niya na magsasagawa sila ng paglilinis sa evacuation center sa susunod na linggo upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Ilang baranggay ang sinakop ng MNLF sa pamumuno ni Nur Misuari bilang protesta sa gobyerno na nauwi sa giyera.

Higit 200 katao ang nasawi habang maraming ari-arian ang nasira dahil sa krisis.

Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin si Misuari na nahaharap sa kasong paglabag sa nternational Humanitarian Laws.

Show comments