LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Napatay ang 35-anyos na tinderong naka-camouflage na sinasabing inakalang military matapos itong ratratin ng mga rebeldeng New Peoiple’s Army sa harapan ng bahay ng kanyang biyenan sa Barangay Peñafrancia, bayan ng Claveria, Masbate kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Joseph Dela Cruz ng Barangay Ambungan sa bayan ng Aroroy. Bago maganap ang pamamaslang ay binalaan na ito ng mga rebelde na umalis sa nasabing barangay sa pag-aakalang tiktik ng militar dahil kalimitang naka-camuouflage. Hindi naman makaalis ang biktima sa bahay ng kanyang biyanan dahil sa masungkit ang panahon at walang bangka na maghahatid sa ibayong ilog.