TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Nagpasalubong kay kamatayan ang 54-anyos na mister na sinasabing may sakit na tuberculosis matapos nitong gilitan ang sarili sa loob ng kanyang kuwarto sa Barangay Bail, bayan ng Sto. Tomas, La Union kamakalawa. Nadiskubre ng mga kaanak ang duguang katawan ng biktimang si Cipriano Calub sa kanyang bahay kung saan wala namang iniwang suicide note.