Estudyante nakipag-away sa gf, nagbigti

Tuguegarao City, Philippines - Labis na dinamdam ng isang 19- anyos na binatang estudyante ang pakikipag-away nito sa kaniyang nobya matapos na magbigti sa Brgy. Tanig, Laoag City kahapon. Kinilala ni Supt. Jeffrey Gorospe, hepe ng pulisya rito ang biktima na si Jhomar Baloran, 3rd year high school at estudyante sa Ilocos Norte National High School.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuang nakabitin sa punong­ kahoy sa tabi ng kanilang tahanan sa lugar na lawit pa ang dila kahapon ng umaga.

Sa salaysay ni Lorna Baloran­, ina ng biktima, ilang araw ng matamlay ang kaniyang anak na humantong sa pagpapatiwakal nito.

Nabatid pa na nabanggit din ng biktima sa nakababata nitong kapatid na babae na may hidwaan sila ng kaniyang nobya.

 

Show comments