MANILA, Philippines - Niratrat ng apat na pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) hit squad ang isang magsasaka matapos na mapagkamalan itong informer ng militar sa naganap na karahasan sa Brgy. Riverside, Isabela, Negros OcciÂdental kamakalawa.
Kinilala ang nasawing biktima na si Rolan Dadlis, 28- anyos, residente ng nasabing lugar. Ang biktima ay natadtad ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan partikular na sa kaniyang ulo na siyang agarang ikinamatay nito.
Sa ulat ng Negros Occidental Police, kasalukuyang nasa bisinidad ng kanilang bakuran ang biktima ng biglang suÂmulpot ang apat na armadong kalalakihan na nagpakilaÂlang mga rebelde saka niratrat ang biktima.
Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas matapos isaÂgawa ang krimen.
Lumilitaw sa pangunang pagsisiyasat na napagkamalan ng mga rebelde na informer ng militar ang biktima.
Narekober naman ng nagrespondeng awtoridad sa lugar ang mga basyo ng bala ng M16 rifle.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito.