Manager ng BMW itinumba

BULACAN, Philippines - – Napaslang ang 41-anyos na manager ng pribadong kompanya matapos itong ratratin ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Sta. Rita, bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon ng umaga. Tatlong tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Zandrix Corpuz, manager ng Bulacan Metro Warehouse at nakatira sa Rocka 2 Subdivision sa Barangay Tabang, bayan ng Plaridel. Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO2 Ervin Mac Melan, patungo sa trabaho ang biktimang nagmomotorsiklo nang dikitan at pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng Cagayan Valley Road bandang alas-7 ng umaga. Wala namang tinangay na anumang personal na gamit ng biktima matapos isinagawa ang pamamaril  kung saan pinaniniwalaang may matinding galit ang gunmen.

Show comments