Bebot ‘sinalvage’ sa Cavite

CAVITE , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang biktima ng summary exe­cution ang natagpuang babae na nakagapos ang mga kamay at tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan saka inabandona sa bahagi ng Barangay Salawag, Dasmarinas City, Cavite kamakalawa. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng biktimang nasa 25 hanggang 30-anyos at may taas na 5’3, maayos na pa­ngangatawan, nakasuot ng puting sando at brown short pants. Ayon kay P01 Elmer Belaro, natagpuan ang biktima sa kahabaan ng Molino-Paliparan Road sa nasabing barangay. Narekober din sa tabi ng bangkay ng biktima ang karatulang may nakasulat na “hwag n’yo gayahin ‘to lalakero.” Habang narekober ang limang basyo ng cal. 45 pistol.

 

Show comments