State of emergency sa Jolo, Sulu

MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ngayong Huwebes ang lokal na pamahalaan ng Jolo sa probinsiya ng Sulu dahil sa storm surge na sumira sa limang barangay.

Inaprubahan ng lokal na konseho ng Jolo ang resolusyon upang agarang magalaw ang calamity fund upang gastusin para sa halos 15,000 residente na apektado ng kalamidad.

Walang tigil ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa epekto ng low pressure area.

Winasak ng malalaking alon ang ilang barangay kabilang ang Chinese Pier, Takut-Takut, Tulay, Walled City, at Bus-Bus.

Tinatayang umabot sa P17 milyon ang halaga ng pinsala.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes na umabot na sa 26 ang kumpirmadong patay dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Kaugnay na balita: Patay sa walang tigil na ulan sa Mindanao tumaas pa

Bukod sa mga nasawi ay nasa 11 katao ang pinaghahahanap, habang 36 ang sugatan mula sa regions 9, 10, 11 at Caraga.

Show comments