MANILA, Philippines - Aabot sa 113 kabahayan ang nawasak habang nasa 1,000 katao naman ang inilikas sa magkakasunod na pananalasa ng storm surge o daluyong ng dambuhalang alon na rumagasa sa limang baybaying barangay ng bayan ng Jolo, Sulu, ayon sa opisyal kahapon.
Sa phone interview, sinabi ni Col. Jose Johriel Cenabre, commander ng 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu, agad inilikas ang mga apekÂtadong residente patungong evacuation centers.
Nagsimula ang storm surge noong Sabado (EneÂro 11) sa Barangay Busbus, Jolo, Sulu kung saan 14-kabahayan ang nawasak habang aabot naman 14-pamilya ang inilikas na nasundan pa hanggang kahapon.
Sa mga sumunod na araw ay nagka-storm surge sa Barangay Tulay kung saan 41 kabahayan ang nasira at 150 pamilya ang apektado.
Nagka-storm surge rin sa Chinese pier sa Jolo, Sulu kung saan nawasak ang 57 kabahayan habang nasa 70 pamilya naman ang nagsilikas.
Wala namang nasirang bahay at naapektuhang pamilya sa Barangay Walled City sa kapitolyo ng Jolo.
Patuloy naman ang monitoring sa storm surge na aabot sa 10-20 metro ang taas ng tubig-dagat.