^

Probinsiya

Storm surge nanalasa sa Sulu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa 113 kabahayan ang nawasak habang nasa 1,000 katao naman ang inilikas sa magkakasunod na pananalasa ng storm surge o daluyong ng dambuhalang alon na rumagasa sa limang baybaying barangay ng bayan ng Jolo, Sulu, ayon sa opisyal kahapon.

Sa phone interview, sinabi ni Col. Jose Johriel Cenabre, commander ng 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu, agad inilikas ang mga apek­tadong residente patungong  evacuation centers.

Nagsimula ang storm surge noong Sabado (Ene­ro 11) sa Barangay Busbus, Jolo, Sulu kung saan 14-kabahayan ang nawasak habang aabot naman 14-pamilya ang inilikas na nasundan pa hanggang kahapon.

Sa mga sumunod na araw  ay nagka-storm surge sa Barangay Tulay kung saan 41 kabahayan ang nasira at 150 pamilya ang apektado.

Nagka-storm surge rin  sa Chinese pier sa Jolo, Sulu kung saan nawasak ang 57 kabahayan habang nasa  70 pamilya naman ang nagsilikas.

Wala namang nasirang bahay at naapektuhang pamilya sa Barangay Walled City  sa kapitolyo ng Jolo.

Patuloy naman ang monitoring sa storm surge na aabot sa 10-20 metro ang taas ng tubig-dagat.

AABOT

BARANGAY BUSBUS

BARANGAY TULAY

BARANGAY WALLED CITY

JOLO

JOSE JOHRIEL CENABRE

MARINE BRIGADE

TASK FORCE SULU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with