MANILA, Philippines – Hinarang ng mga traffic enforcer ng Davao City ang dating alkaldeng si Sarah Duterte-Carpio dahil sa paglabag sa batas trapiko.
Ayon sa mga ulat, pinara si Carpio, anak ng kasalukuyang alkalde Rodrigo Duterte, matapos lumampas sa speed limit ng lungsod.
Umabot ng 57 kilometers per hour si Carpio, lagpas ng 17 kph, sa 40 kph speed limit.
Kinumpiska ng traffic enforcers ang driver’s license ni Carpio at binigyan ng ticket.
Nabawi ng dating alkalde ang kanyang lisensya matapos magbayad ng multa.
Noong 2011 ay naging laman ng balita si Carpio matapos manapak ng isang court sheriff nang magkagulo sa isang demolisyon.
Nahuli na rin ang kanyang ama ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsusuot ng helmet habang sakay ng motorsiklo.