Pumatay sa konsehal at bodyguard, arestado

QUEZON , Philippines  â€“ Arestado ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang municipal councilor at bodyguard nito matapos maaresto ng mga awtoridad sa bahagi ng Granja Street, Barangay 1 sa Lucena City, Quezon kamakalawa.

Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Emmanuel Peñalosa, 26, ng Barangay Lusacan sa bayan ng Tiaong, Quezon.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Agripino Menogra ng San Pablo City Regional trial Court Branch 32 sa Laguna, naaresto si Peñalosa kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang kalayaan.

Samantalang pinaghahanap naman ang kasabwat sa krimen ni Peñalosa na si Mario Aguilla.

Sa tala ng pulisya, si Peñalosa ang bumaril at nakapatay kina ex-Councilor Edgardo DC Adajar at driver/ Leonardo Manalo, driver/bodyguard nito noong Enero 2, 2012 sa lumang sabungan sa Barangay Concepcion, San Pablo City, Laguna. 

Nasamsam sa suspek ang isang cal. 38 revolver, cellphone at mga personal na gamit.

Show comments