Seaman binoga ang misis bago nag-suicide

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang naburyong ang isang seaman ma-tapos nitong barilin ang kaniyang misis bago nag-suicide sa loob ng kanilang tahanan sa Doña Soledad, Labangal, General Santos City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing mag-asawa na sina Edgar Sarmiento at misis nitong si Lea Marie Sarmiento; pawang nasa hustong gulang at kapwa dead-on-the-spot sa insidente.

Ang ginang ay nagtamo ng tama mula sa shotgun sa kaniyang dibdib habang ang mister nito ay halos sumabog ang panga na siya ng mga itong ikinamatay.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame,  lumilitaw sa imbestigasyon na unang binaril ng nasabing mister ang kaniyang misis at ng masigurong patay na ito ay saka nag-suicide dakong alas-7 ng gabi.

Sa pahayag ng mga kapitbahay ng mag-asawa sa pulisya, bago ang insidente ay narinig pa nilang nagtatalo ang mag-asawa at ilang saglit pa ay umalingaw-ngaw ang 2 putok ng baril. Ang kaso ay iniimbestigahan na.

 

Show comments