Factory manager utas sa riding in tandem, live-in partner sugatan

Batangas, Philippines — Patay ang isang manager ng isang pabrika samantalang malubha namang nasugatan ang live-in partner nito makaraang paulanan ng bala ng motorcycle riding in tandem na mga armadong salarin sa ambush sa Sto. Tomas, Batangas nitong Bi­yernes ng gabi.

Sa ulat ni Batangas Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Omega Jireh Fidel, kinilala ang biktimang si Magtangol Lumagui, Production Ma-nager ng Continental Temic Electronics Phils Inc samantalang sugatan naman si Liezel Herez, 19 , kapwa naninirahan Lucilla Vivas Apartment Poblacion Brgy 1, Santo Tomas, Batangas.

Si Lumagui ay idineklarang dead-on-arrival sa Saint Cabrini Hospital sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi habang ang mag-live-in partner ay lulan ng Toyota Vios (ZCE 286) at pauwi na sa kanilang tahanan ng pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem na mga suspek pagsapit sa lugar.

Narekober sa crime scene ang 11 basyo at isang slug ng hindi pa matiyak na kalibre ng baril.

Inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman sa trabaho o personal ang motibo ng krimen.

 

Show comments