Manyakis nagtangkang manghalay, dinedo
MANILA, Philippines - Napatay ang 28-anyos na lalaki matapos itong pagbabarilin ng ka-live-in ng misis na tinangka nitong halayin sa Purok Tres, Barangay Muyo, bayan ng Buug, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang napaslang na si Gary Arpal habang pinaghahanap naman ang nakapatay na si James “Langlang†Fajardo, 26, kapitbahay ni Arpal. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pinasok ni Arpal ang bahay ni Neneth Alarao kung saan tinangka nitong molestiyahin. Gayon pa man, nagsisigaw ang babae sa paghingi ng saklolo kung saan ay tinakpan naman ni Arpal ang bibig habang uumpisahan na sanang halayin.
Sa puntong ito ay biglang dumating ang ka-live-in ni Alarao at sa matinding galit ay sinigawan ang manyakis na lumabas pero habang palabas ito ay pinagbabaril hanggang sa mapatay.
- Latest