MANILA, Philippines - Patraydor na pinasÂlang ang beteranong pulis matapos ratratin ng riding-in-tandem assassins ng New People’s Army sa kahabaan ng Purok 2C, Barangay Taglatawan sa Bayugan City kamakalawa.
Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si SPO1 Rodrigo Coton ng Bayugan City PNP at binawian ng buhay habang isinusugod sa New Bayugan Medical Hospital.
Ayon sa ulat, pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang sundan at ratratin ng tandem.
Pinaniniwalaang niresbakan ang biktima matapos nitong maaresto ang dalawang NPA na sina Ramon Floro Jr., at Bryan Precioso Mandapiton habang sinasabotahe ang tulay sa pamamagitan ng bandalismo sa Bayugan City noong Disyembre 26, 2013 na sinasabing ika-45 taong anibersaryo ng CPP-NPA.