MANILA, Philippines - Siyam sa tropa ng pamahalaan kabilang ang pitong sundalo ang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bahagi ng Kilometer 6, Barangay Balit sa bayan ng San Luis, Agusan del Sur kahapon ng madaÂling araw.
Ayon kay Captain Christian Uy, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, naganap ang pananambang bandang ala-1:50 ng madaÂling araw.
Napag-alamang pabalik na ang pinagsanib na tropa ng Army’s 26th Infantry Battalion, Agusan del Sur Public Safety Company ng PNP at ilang Cafgu sa kanilang mga himpilan nang ratratin ng NPA.
Kaagad namang dumepensa ang mga awtoridad kung saan ang palitan ng putok ay tumagal ng 45 minuto bago nagsiatras ang mga rebelde.
Pitong enlisted personnel ng Philippine Army, isang pulis at isang Cafgu ang nasugatan.
Nabatid na galing sa pagsisilbi ng warrant of arrest ang mga awtoridad laban sa wanted sa kasong murder na si Nelson Capos sa Barangay San Pedro, baÂyan ng San Luis kung saan nabigo namang maaresto.