Trak vs bike: Mag-asawa patay

CAVITE, Philippines - -  Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawang nakamotorsiklo matapos itong su­malpok sa nakaparadang trak sa kahabaan ng Governor’s Drive sa Barangay Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa ospital mag-asawang Felix Demabildo Jr., 57; at Susan Demabildo, kapwa nakatira sa Blk 69 Lot 17 AFP Housing,  Zone 5, Barangay Bulihan, bayan ng Silang, Cavite. Arestado naman ang  driver ng trak na si Larry Arquisola, 34, ng Barangay Molino,  Bacoor City, Cavite. Sa ulat ni P03 Jesus Bae, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa nang sumalpok sa trak (NQE 686) na sinasabing nasiraan sa gitna ng highway. Tumilapon ng may ilang metro ang mag asawa dahil sa matinding pagkakasalpok sa trak.

Show comments