Koreano tiklo sa shoplifting

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng 23-anyos na Koreano matapos itong masakote dahil sa pagkakasangkot sa shoplifting ng dalawang  moderno at mamamahaling IPhone 5s sa pamosong shopping mall sa Barangay Mabolo, Cebu City kamakalawa. Kinilala ni PNP spokesman P/Senior Supt. Wilben Mayor ang suspek na si Moon Yun Su, pansamantalang nakatira sa #310 City Escape Hotel sa F. Cabahug Street, Brgy. Casambagan sa nasabing lungsod. Ayon kay Mayor, ang suspek ay inaresto matapos itong makunan sa CCTV camera na nag-shoplift ng dalawang Iphone 5s na nagkakahalaga ng P 71,980  sa iStore sa ikalawang palapag ng SM City  mall. Gayon pa man, lingid sa kaalaman ng suspek ay napansin ito ng mga nagmamanmang staff  na agad itinimbre sa security kung saan hinabol at inaresto ang Koreano.

 

Show comments