Pulis dedo sa salpok ng bus

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 52-anyos na pulis matapos na masalpok ng pampasaherong bus ang kanyang motorsiklo sa kahabaan  ng Andaya Highway sa Barangay Agrupacion, bayan ng Ragay, Camarines Sur kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na SPO1 Eduardo Alacar ng PNP -PSPG, NHQ Camp Crame, Quezon City, nakatira sa Walnut St. West Fairview, Quezon City at pansamantalang nakatira sa Barangay Rawis, Legazpi City. Nabatid na patungong Maynila ang biktimang nagmomotorsiklo nang makasalpukan ang Arandia Line Bus (EVB 909) ni Ernan Cardel ng Barangay Badian na patungo naman sa Naga City.

 

Show comments