MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang alitan sa lupa kaya nagpatayan ang magtiyahin matapos ang mga itong magtagaan ng machete sa madugong duelo sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur noong Huwebes.
Kinilala ang mga namatay na sina Esterlita Tumunas, 44, ng Barangay MaÂnage; at Jeffrey Lantingan Tumunas, 23, naninirahan naman sa bayan ng Sta. Cruz.
Sa ulat ni P/Senior InsÂpector Jeffrey Latayada, hepe ng Bansalan PNP, naganap ang insidente sa Sitio Malipayon, Brgy. Managa bandang alas-6:30 ng umaga.
Galit na sinugod ni Jeffrey ang bahay ng tiyahin at kinompronta ito kaugnay sa pinag-aagawang lupain ng kanilang pamilya.
Sa pahayag ng isang testigo na kapitbahay ni Esterlita hindi nagkasundo ang magtiyahin na nagkasigawan pa at nagkasundong tapusin na ang problema sa pamamagitan ng duelo ng machete.
Agad na nagpanalubong ang magtiyahin na kaagad na napatay ang misis at bagaman nagawa pang makatakbo ng may ilang metro ni Jeffrey na tinamaan ang tiyan at dibdib ay bumagsak ito at namatay sa may basketball court.
Narekober sa crime scene ang dalawang machete na ginamit ng magtiyahin sa duelo.