BATANGAS, Philippines - - Kamatayan ang sumalubong sa Bagong Taon laban sa mag-utol na bata matapos makulong ng apoy sa loob ng kanilang bahay na nasunog kahapon ng umaga sa Lipa City, BaÂtangas. Kinilala ni P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, BaÂtangas PNP director ang mga namatay na sina Prince John DimaÂilig, 4; at Jessa Angelica, 3, kapwa nakatira sa BaÂrangay Balintawak sa nasabing lungsod.
Sa ulat ni F/Senior Insp. Von Ferdinand Nicasio ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-7 ng umaga ng tupukin ng apoy ang bahay ng mga biktima sa #1043 sa nabanggit na barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ni FO2 Ritchie Manalo, naiwang walang kasama ang magkapatid sa kanilang bahay kung saan ang tatay na si Reggie Dimailig ay nagtatrabaho sa Lipa City National High School bilang janitor habang sa pabrika naman ang kanilang ina.
Tumagal ng isang oras ang sunog na nagsimula bandang alas-7 bago maapula.
Gayon pa man, naÂgimÂbal ang mga bumbero ng tumambad sa kanila ang sunog na bangkay ng magkapatid na magkayakap pa sa loob ng kanilang kuwarto.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang apoy mula sa nag-overload na electrical circuit ng fuse box sa apartment ng mga biktima.
Tinatayang aabot sa P50,000 halaga ng ari-arian naabo sa naganap na insidente. Dagdag ulat ni Joy Cantos