4 utas sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Apat-katao ang kumpirmadong namatay sa magkahiwalay na sakuna sa pagsalubong sa Bagong Taon sa mga bayan ng Ba­yambang, Pangasinan at Luna, La Union kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga namatay sa bayan ng Bayambang na sina Rigor Magat, 20; Norman Jontilla, 22; at si Arjay Magnaie, 20. Nabatid na sumalpok ang motorsiklo ng tatlo sa kasalubong na trak kung saan malubhang nasugatan ang isa nilang kasamang si Joel Penuliar. Pinaniniwalaang lango sa alak ang mga biktima nang maganap ang aksidente. Samantala, namatay din si Jessie Estoesta matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa traysikel na minamaneho ni Leon Pascua Jr. sa Barangay Alcala, bayan ng Luna, La Union.

Show comments