Bike vs bike: Chairwoman dedo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Patay ang  isang barangay chairwoman habang kritikal naman ang mister nito makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na motorsiklo sa panulukan ng Del Rosario Street at San Fernando Street sa Barangay Poblacion 2, bayan ng Claveria, Masbate kamakalawa ng tanghali. Hindi na umabot pa ng buhay sa Claveria District Hospital ang biktimang si Chairwoman Arlene Amado habang malubha naman ang mister nitong si Jay Amado, isang guro at kapwa nakatira sa Barangay Imelda. Sugatan din ang driver ng motorsiklo na nakasalpukan ng mag-asawa na si Je­remy Capinig ng Sitio Mabolo, Barangay Poblacion.

Show comments