Mag-ama dedo sa pamamaril

BATANGAS , Philippines   â€“ Napatay ang 54-anyos na mangi­ngisda at ang anak nito habang sugatan naman ang  dalawang kaanak nila matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Pulo Island, bayan ng Talisay, Batangas noong Linggo ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas PNP director, kinilala ang mga napatay na sina Estilito Martinez at Jaycee Martinez, 29, kapwa nakatira sa Sitio Panikihan sa nasabing isla.

Sugatan naman ang kapatid ni Estilito na si Guil­lermo, 46, at ang 3-anyos na pamangkin na si Justine Martinez.

Nabatid na abalang nagkakabit ng bumbilya si Estilito sa harap ng bahay nito nang biglang dumating ang tatlong kalalakihan na naka-bonnet at pagbabarilin ito bandang alas-6:30 ng gabi.

Samantala, nadamay naman si Jaycee na katatapos lang kumain ng hapunan nang tamaan ito ng ligaw na bala sa tiyan.

Dead-on-the-spot si Estilito matapos magtamo ng mga tama ng bala ng M-16 armalite rifle at calibre 45 baril sa kanyang katawan. Ideneklara naman dead-on-arrival sa ospital si Jaycee.

Tinamaan din ng ligaw na bala si Guillermo na sinasa­bing nagluluto lang sa likod ng bahay at si Justine na naglalaro lamang sa loob ng bahay.

Naganap ang insidente noong bisperas ng fiesta ng Pulo Island kung saan nasa plaza ang mga  kapitbahay para manood ng stage show.

 

Show comments