Bike vs trike: 2 bulagta

CAMARINES NORTE , Philippines   â€“ Dalawa-katao ang iniulat namatay sa naganap na magkahiwalay na road mishap sa lalawigan ng Camarines Norte kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Insp. Rhoderick Campo, si John Mark Dela Cruz ng Purok 2, Brgy. Talobatid ay namatay matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na traysikel ni Romulo Diaz sa kahabaan ng highway sa Purok 7 sa nasabing barangay. Sugatan naman ang dalawang kaangkas sa motorsiklo ni Del Cruz na sina Isabel Basi ng Sitio Nico, Brgy Dalnac, Paracale at Bernadette Almonte  ng Sitio Mineral, Brgy Talobatib. Samantala, namatay naman si Mark Ryan Bron, 28, matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na scooter ni Benidick Salvacion  pagsapit sa Bagasbas Road sa Purok 1 sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Sugatan namang naisugod sa ospital si Salvacion.

Show comments