P1.5-M paputok nasamsam

BULACAN , Philippines   â€“  Aabot sa P1.5 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng paputok ang nasamsam matapos salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang isang pabrika sa Barangay Bunducan, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga. Base sa ulat ni Provincial Director P/Supt. Joel Orduña bandang alas-11 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Intelligence Branch, Provincial Public Safety Company at mga tauhan ni P/Supt. Na­thaniel Villegas ng Bocaue PNP ang pabrika ng paputok sa Sitio Daang Bakal. Hindi naman natagpuan ang sinasabing may-ari ng pagawaan na si Nenita Ofracio subalit nasakote naman ang 10-manggagawa sa nasa­bing pabrika.

 

Show comments